-- ADVERTISEMENT --
Pinuri ni DS Ortega ang matatag at makatarungang paninindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) laban sa China, partikular sa mga isyung may kinalaman sa soberanya ng bansa.
Ayon kay Ortega, mahalagang ipagpatuloy ng administrasyon ang malinaw at prinsipyadong tindig upang ipagtanggol ang karapatan ng Pilipinas, lalo na sa West Philippine Sea. Aniya, ipinapakita ng pamahalaan ang determinasyon nitong ipaglaban ang interes ng bansa sa pamamagitan ng diplomasya at pagsunod sa international law.
Dagdag pa niya, ang ganitong paninindigan ng Pangulo ay nagpapakita ng malasakit sa pambansang seguridad at sa kapakanan ng mga Pilipino.













