Mahigit 500,000 katao sa Estados Unidos, partikular sa Texas, ang nawalan ng kuryente habang inaasahang makakansela ang higit 9,600 na flights dahil sa malakas na winter storm na tumama sa silangang bahagi ng bansa.
Kasama sa bagyong ito ang kombinasyon ng snow, sleet, hail, at matinding lamig na apektado ang dalawa hanggang tatlong estado, at inaasahang magpapatuloy hanggang sa susunod na linggo.
Inaprubahan ni Pangulong Donald Trump ang federal emergency declarations para sa 12 estado upang mas mapabilis ang tugon sa kalamidad at matulungan ang mga apektadong pumuluyo.
Ayon kay Department of Homeland Security Secretary Kristi Noem, hinihikayat ang mga residente na maghanda ng sapat na pagkain, krudo, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Bukod sa Texas, mahigit 100,000 katao rin ang nawalan ng kuryente sa Mississippi at Tennessee.
Apektado rin ang Louisiana at New Mexico kung saan ang ilan sa mga pangunahing kalsada ay natabunan ng yelo at niyebe, at maraming paaralan at negosyo ang pansamantalang isinara.
Ang malawakang pagkansela ng mga flight ay nagdulot ng pagkaantala sa libu-libong pasahero, habang nagpapatuloy ang mga awtoridad sa pagsasagawa ng rescue operations at pagbibigay ng tulong sa mga komunidad na nakulong sa matinding lamig.













