Mariing hinamon ni dating Senador Antonio Trillanes si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na boluntaryong magtungo sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands upang harapin ang mga alegasyon kaugnay ng war on drugs noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, mahalaga na personal na humarap si Dela Rosa at bisitahin si Duterte, na kasalukuyang nasa ICC Detention Center, upang malinaw na maipakita kung may tunay na warrant of arrest laban sa kanya.
Ito ay dumating kasabay ng ulat na posibleng maglabas ang ICC ng arrest warrant laban kay Dela Rosa at sa isa pang Duterte ally na si Bong Go sa unang bahagi ng 2026, bagaman sinabi ng ICC na hindi pa ito opisyal.
Samantala, nananatiling wala pang natatanggap na opisyal na dokumento mula sa ICC o Interpol ang Department of Interior and Local Government.













