-- ADVERTISEMENT --
Itinanggi ng White House na may karamdaman si U.S. President Donald Trump, kasunod ng kumalat na larawan ng kanyang kamay na may pasa habang dumadalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ayon sa administrasyon, dulot lamang ito ng pagkakasalpok ng kamay sa gilid ng mesa at hindi indikasyon ng anumang problema sa kalusugan.
Kinumpirma ni Press Secretary Karoline Leavitt na wala namang pasa si Trump bago ang insidente.
Gayunpaman, muling lumabas ang mga espekulasyon dahil sa mga naunang pasa na naobserbahan ng publiko sa kamay ng 79-anyos na pangulo.
Iginiit din ng White House na nasa mahusay na kalagayan si Trump, na dating idineklara ng kanyang doktor na may “excellent” cardiovascular health.













