Tinitiyak na ng mga awtoridad ng Pilipinas ang impormasyong nagsasabing posibleng nasa Cambodia o Thailand ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na isinasangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, ang naturang impormasyon ay nagmula kay Julie Patidongan, ang itinuturing na star witness sa nasabing kaso, at kasalukuyan na itong iniimbestigahan ng mga kinauukulang ahensya.
Dagdag pa ni Remulla, sinisiyasat din kung may posibilidad na dumaan sa tinatawag na “backdoor” si Ang, dahil wala umanong rekord mula sa Bureau of Immigration na nagpapakitang umalis siya ng bansa.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa mga awtoridad ng Cambodia at Thailand upang beripikahin ang ulat at matukoy ang kinaroroonan ni Ang.













