KORONADAL CITY – Tuloy na ang konstruksyon ng Convention Center ng City of Koronadal matapos kumpirmahin ni Congressman Ferdinand “Dinand” L. Hernandez, kinatawan ng ikalawang Distrito ng South Cotabato at Senior Deputy Speaker ng Kamara na mayroon nang ₱100 milyong pondo na inilaan para dito.
Kasabay nito, ipinaabot ni Cong Hernandez na opisyal nang naganap ang coordination meeting kasama si DPWH District Engineer Benedicto Amido at ang DPWH 12 Regional Office Planning Division upang talakayin at planuhin nang masinsinan ang implementasyon ng 2026 budget, na layong masiguro na ang lahat ng proyekto at programa sa distrito ay maisasakatuparan nang maayos at epektibo.
Ibinahagi din ng opisyal na matapos ang detalyadong talakayan sa 2026 budget, sinimulan na rin ang plano para sa 2027 budget, kung saan masusing tiningnan at sinuri kung alin sa mga proyekto at programa ang nangangailangan ng pondo sa susunod na taon, upang matiyak ang tamang pamamahagi ng pondo na nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng distrito.
Nagkaroon din ng site visit kasama ang City Government ng Koronadal para suriin ang mga ipapatupad na proyekto ngayong taon:
- Convention Center – ₱100 milyon
- Recreational Center sa Prime Regional Center – ₱18 milyon
- City Health Office – ₱20 milyon, na magpapatuloy sa naunang implementadong proyekto na nagkakahalaga ng ₱60 milyon noong huling termino ni Rep. Hernandez bilang mambabatas.
A













