-- ADVERTISEMENT --

Mariing itinanggi ng kontraktor na si Curlee Discaya ang mga alegasyong may koneksyon siya kay dating House Speaker Martin Romualdez, isang pahayag na itinuring ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre bilang positibong hakbang tungo sa isang evidence-based na diskusyon at sa pagpigil ng pagkalat ng mga walang basehang akusasyon.

Lumabas ang alegasyon na umano’y nagsilbi si Discaya bilang “front” ni Romualdez sa pagbili ng isang high-end na real estate property sa Makati City.

Gayunman, nilinaw ni Discaya na minsan lamang niyang nakita ang dating House Speaker sa isang pampublikong okasyon at hindi niya ito kailanman nakausap.

Ayon kay Rep. Acidre, mahalagang pairalin ang pagsusuri batay sa ebidensya at hindi sa mga haka-haka, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa mga personalidad na nababanggit sa mga kontrobersiya.

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa kustodiya ng Senado si Discaya kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa kontrobersiya ng flood control anomaly, habang nagpapatuloy ang mga pagdinig at imbestigasyon ng mga awtoridad.