Nabigo si Alex Eala na makapasok sa susunod na round ng 2026 Australian Open matapos talunin ng Amerikanang si Alycia Parks sa iskor na 6-0, 3-6, 2-6 sa kanilang laban sa Melbourne Park.
Malakas ang naging panimula ni Eala nang mapanalunan niya ang unang set, dala ang matinding suporta ng mga Pilipinong tagahanga na nanood sa loob ng court.
Gayunman, nakabawi si Parks sa sumunod na dalawang set at ipinamalas ang kanyang karanasan upang makuha ang panalo matapos ang halos dalawang oras na laban.
Ang World No. 100 na si Parks ay haharap kay Karolina Muchova ng Czech Republic sa susunod na round ng torneo.
Sa kabila ng pagkatalo, nanatiling matatag ang suporta ng mga Pilipino sa 20-anyos na Pinay tennis star, na patuloy na nagdadala ng pangalan ng Pilipinas sa pandaigdigang tennis scene.













