-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na ang beteranong Hong Kong martial arts actor na si Bruce Leung Siu-Lung sa edad na 77 taong gulang. Hindi nagbigay ng karagdagang detalye ang kanyang pamilya at humiling ng privacy sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Sumikat si Leung noong dekada 1970 bilang isa sa mga prominenteng aktor sa industriya ng pelikula sa Hong Kong, kasama ang mga kilalang personalidad tulad nina Bruce Lee, Jackie Chan, at Ti Lung.

Nakilala siya sa kanyang husay sa martial arts at sa mga kapanapanabik na aksyon sa mga pelikulang kanyang pinaglabanan.

Ipinanganak siya bilang Leung Choi-sang, at bukod sa pagiging aktor, nagsilbi rin siya bilang stuntman, action choreographer, at direktor sa iba’t ibang pelikula sa nagdaang mga taon, na nag-iwan ng malaking ambag sa mundo ng aksyon at martial arts cinema.