Nasawi ang 6 katao, kabilang ang isang bumbero, sa sunog na tumama sa isang shopping center sa lungsod ng Karachi, Pakistan, habang patuloy pa ring inaapula ang apoy ng mga emergency responders.
Ayon sa mga awtoridad, bahagyang gumuho ang ilang bahagi ng Gul Plaza, isang gusaling may humigit-kumulang 1,200 tindahan, na naging dahilan ng paghihirap sa rescue operations.
Mahigit 20 katao ang nasugatan, at may pangamba na mayroon pang mga taong na-trap sa loob ng multi-storey na gusali.
Iniulat ng lokal na emergency services na pagdating nila sa lugar, kumalat na ang apoy mula sa ground floor patungo sa mga itaas na palapag, dahilan upang halos buong gusali ay lamunin ng apoy.
Hanggang Linggo ng umaga, patuloy pa ring umaalingasaw ang usok, at may banta ng karagdagang pagguho.
Mahigit 30 katao ang iniulat na nawawala ng kanilang mga pamilya. Samantala, inatasan ng Pangulo ng Pakistan ang mga lokal na pamahalaan na suriing mabuti ang mga safety measures sa mga komersiyal at residensiyal na gusali upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.













