-- ADVERTISEMENT --

Maaaring ma-extend ang suspensyon kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kung magpasaka ang House of Representatives ng panibagong ethics complaint laban sa kanya, ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

Ayon kay Acidre, ang bagong reklamo ay isinasaalang-alang dahil sa mga aksyon ni Barzaga matapos ang ipinatupad na suspensyon niya noong Disyembre. Ang mga paglabag na ito ay maaaring makaapekto sa pagtatapos ng kasalukuyang suspensyon.

Matatandaan na ang unang ethics complaint laban kay Barzaga ay isinampa noong nakaraang taon, kaugnay ng tinaguriang “disorderly behavior” mula sa kanyang mga post sa personal social media accounts.

Sa kasalukuyan, wala pang pinal na desisyon ang Kamara tungkol sa bagong reklamo.

Nakasaad na ang kasalukuyang suspensyon ni Barzaga ay nakatakdang matapos sa Enero 30, ngunit ang anumang karagdagang imbestigasyon o reklamo ay maaaring magpahaba ng suspensyon at magdulot ng karagdagang aksyon mula sa House Ethics Committee.