-- ADVERTISEMENT --

Pinapanawagan ni Akbayan Partylist Rep. Jose Manuel “Chel” Diokno ang pagpa-audit sa mga proyekto na pinamamahalaan ng mga kontraktor na kasalukuyang nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP), upang matukoy kung gaano kalaki ang pondo ng gobyerno ang naitalaga at aktwal na nakuha mula sa mga proyekto.

Tinukoy ni Diokno ang apat na kontraktor na nasa WPP na sina dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, Engr. Henry Alcantara, Engr. Gerard Opulencia, at ang kontraktor na si Sally Santos ng SYMS Construction Trading.

Aniya, dapat ilahad ng mga ito ang lahat ng kaalaman nila tungkol sa mga anomalya at pangalanan ang iba pang sangkot, bilang bahagi ng kanilang buong kooperasyon sa imbestigasyon.

Ayon sa mga tala, nakabalik na sa gobyerno ang milyon-milyong piso mula kina Alcantara at Opulencia matapos silang mailagay sa WPP. Binibigyang-diin ni Diokno na ang pagsusuri sa kanilang mga proyekto ay mahalaga upang maprotektahan ang pondo ng publiko at matiyak ang accountability sa mga ahensya ng gobyerno.