-- ADVERTISEMENT --

Nasawi ang limang ski enthusiasts matapos ang dalawang magkakasunod na avalanches sa Salzburg Pongau region sa Austria, iniulat ng mga lokal na awtoridad.

Ayon sa ulat, apat ang namatay sa unang snow slide sa Gastein Valley, habang dalawa pa ang nasugatan. Humigit-kumulang 90 minuto matapos nito, isang babae ang natabunan ng ikalawang avalanche malapit sa Bad Hofgastein, na may taas na 2,200 metro.

Agad na rumesponde ang apat na helicopters, mountain rescue teams, at Red Cross dog units upang iligtas ang mga biktima. Dahil sa panganib, temporaryong isinara ang lugar hanggang sa makumpirma ang kaligtasan ng lahat.

Bagamat pinaghahandaan ng mga awtoridad ang panahon ng taglamig, ipinapaalala ng mga eksperto ang panganib ng avalanche sa mataas at mabundok na lugar, lalo na sa mga ski resort. Ang insidente ay nagdulot ng lungkot at pangamba sa lokal na komunidad at sa mga turista sa rehiyon.