-- ADVERTISEMENT --

Naglabas ang United States Postal Service (USPS) ng isang commemorative stamp bilang pagpadungog sa boxing legend na si Muhammad Ali sa kanyang sinilangang lungsod na Louisville, Kentucky.

Ang selyo ay inilunsad bilang pagkilala sa naging ambag ni Ali sa larangan ng boksing at sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Ipinapakita sa selyo ang retrato ni Muhammad Ali noong kasagsagan ng kanyang karera bilang boksingero. Ayon sa USPS, umabot sa 22 milyong kopya ng selyo ang inimprenta.

Ang larawang ginamit ay mula sa isang Associated Press photo na kuha noong 1974, kung saan makikita si Ali na nakataas ang kanyang mga kamao sa fighting stance.

Makikita rin sa disenyo ng selyo ang apelyidong “ALI” na nakasulat sa malalaking itim at pulang letra.

Layunin ng USPS na bigyang-diin ang matibay na imahe at pandaigdigang pagkilala kay Ali bilang isa sa pinakadakilang boksingero sa kasaysayan.

Si Muhammad Ali ay kilala sa kanyang mga tagumpay sa loob ng boxing ring at sa kanyang impluwensiya sa labas nito.

Sa pamamagitan ng commemorative stamp na ito, pinararangalan ng USPS ang kanyang pamana at ang naging epekto niya sa sports at kulturang Amerikano.