-- ADVERTISEMENT --

Inihahanda na ng Senado ang muling pagbubukas ng imbestigasyon “in aid of legislation” sa flood control scandal sa darating na Lunes, Enero 19.

Gaganapin ang pagdinig kahit naka-break ang Kongreso, gamit ang motu proprio authority ng Senate Blue Ribbon Committee, na nangunguna sa pag-imbestiga sa malawakang alegasyon ng korapsyon sa mga flood control projects.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, humiling na ang komite sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng ilang opisyal at mahahalagang dokumento sa pamamagitan ng subpoena duces tecum.

Layunin nito na makalikom ng sapat na impormasyon para sa mas masusing imbestigasyon.

Bahagi rin ng plano ng komite ang pagtitipon ng lahat ng kaugnay na files sa kaso, kabilang ang kontrobersyal na Cabal files, upang matiyak na wasto at kumpleto ang pagsusuri sa mga alegasyon ng katiwalian sa flood control projects.