-- ADVERTISEMENT --
Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na hindi kabilang sa Witness Protection Program (WPP) sina dating DPWH engineers Brice Hernandez at JP Mendoza.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, hindi pansamantalang tinanggap sa programa ang dalawa.
Binanggit niya na ang kasalukuyang miyembro ng WPP ay sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, dating engineer Henry Alcantara, at dating Regional Director Gerard Opulencia.
Bago ito, pinabulaanan ng kampo ni Alcantara ang mga balitang may plano siyang i-recant ang kanyang mga naunang testimonya kaugnay sa flood control scandal.













