-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY — Isang sunog ang sumiklab sa Block 1, Purok Triniville, Barangay Zone IV, Koronadal City kahapon ng hapon.

Ayon kay Lorijane Villabeto, residente ng lugar, sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, bandang 3:55 ng hapon nang lumabas siya ng kanilang bahay matapos makarinig ng sigaw na may sunog. Aniya, malaki na ang apoy nang una niya itong makita.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsimula ang apoy sa bahagi ng kuwarto ng bahay at mabilis na kumalat.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad kasama ang mga opisyal ng barangay upang mapatay ang apoy at maiwasan ang mas malawak na pinsala.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.