-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Tinatayang nasa dalawampung (20) katao ang nasugatan matapos pinasabugan ng granada ng mga hindi pa nakikilalang lalaki sakay ng motorsiklo ang isang pamilyang nagdiriwang ng Bagong Taon.

Naganap ang insidente makalipas ang alas-12 ng hatinggabi ng Enero 1, 2026, sa boundary ng Barangay Dalapitan, Matalam at Barangay Tibao, M’lang, North Cotabato.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, marami sa mga nasugatan ay kabataan na agad isinugod sa ospital upang mabigyan ng lunas.

Patuloy na isinasagawa ng Matalam at M’lang Municipal Police Stations ang masusing imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Inaalam din ang motibo sa paghagis ng granada at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.