KORONADAL CITY – Nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) Region XII, kasama ang koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office XII at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region XII, ng Oplan Harabas 2025 ngayong Disyembre 29, 2025 sa Koronadal Integrated Transport Terminal Complex at Yellow Bus Terminal sa lungsod ng Koronadal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Kath Abad, ang tagapag-salita ng PDEA XII, ang nasabing operasyon ay suportado ng enforcement ng Republic Act No. 10586, o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, na may kaugnayan sa Oplan “Biyaheng Ayos: Pasko 2025.”
Kinumpirma ni Abad na nasa 150 na mga drayber at konduktor ang sumailalim drug testing, na nag-negatibo naman sa presensya ng illegal na droga.
Sa kabuuan, na 55 bus drivers, 53 bus conductors, at 42 van drivers ang lumahok sa nasabing operasyon. Bilang parte rin ng operation, nagsagawa rin ng K9 panelling sa mga terminal upang masiguro ang seguridad ng mga commuters.
Nanawagan naman si Kath Abad sa publiko kooperasyon sa lahat upang magkaroon ng ligtas na byahe, drug-free public transportation, at mapayapang pagdiriwang ng Bagong Taon.













