KORONADAL CITY – Nagpaliwanag si Jeorge Perez, ang lalaking itinuro na nagsimula ng gulo, na manonod lamang umano at wala siyang intensyon na makipag-gulo nang pumunta siya sa Plaza ng Barangay Topland noong Disyembre 24, 2025, Christmas Eve.
Ani Perez, dahil sa dami ng tao sa plaza, may isang indibidwal na nasagasaan niya na nagdulot ng tensiyon, nagkainitan sila hanggang nagsuntukan, at pumasok na rin ang iba.
Dagdag pa niya, umatras na siya nang dumating ang mga BPAT at si Kapitan Terrence Ehimplar, ngunit pinigilan siya ng mga ito sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang kamay at leeg.
Nilinaw din ni Perez na hindi siya lasing kundi nakainom lamang, at hindi siya ang umagaw o nanapak sa mga kabataan; siya pa nga umano ang pinagtulungan.
Kasabay nito, nanawagan si Perez sa publiko na huwag maging one-sided at tingnan ang totoong pangyayari.
Matatandaan na ang barangay kapitan ang nagtipon sa Plaza ng mga kabataang nagmamay-ari ng motorcycle muffler upang hindi makagulo sa kalsada at sa kanilang mga tahanan, ngunit sa halip na maging maayos, nauwi ito sa kaguluhan.













