-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring hostage-taking incident kung saan isang anim na taong gulang na batang babae ang nailigtas habang napatay ang suspek matapos na manlaban sa mga otoridad sa Barangay Sabala Manao Proper.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PLtCol. Muhiddin Pagayawan, hepe ng Marawi City PNP, inihayag nito na biglang pumasok ang 28-anyos na suspek sa tahanan ng biktima at sapilitang inagaw ang bata at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na maaaring nasa impluwensiya ng ilegal na droga ang suspek nang mangyari ang insidente.

Agad namang rumesponde si Police Senior Master Sergeant Sohair R. Solaiman ng Molundo Municipal Police Station, na nagjo-jogging sa lugar, at sinubukang kausapin ang suspek upang pakawalan ang bata.

Nang dumating ang mga pulis mula sa Marawi City Police Station, naging agresibo ang suspek at sinaktan ang bata, na nagtamo ng sugat sa mukha at braso.

Dahil dito, napilitan si PSMS Solaiman na barilin ang suspek, na tinamaan sa pisngi at katawan, at naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Bagama’t nagtamo ng sugat ang bata, nailigtas ito at kasalukuyang nasa maayos na kalagayan.

Inaalam naman ng mbga otoridad ang background ng suspek at ang kauganyan nito sa illegal na droga.