-- ADVERTISEMENT --

Patay na ang isa sa tatlong mga suspek na iniuugnay sa pagpatay sa 21-anyos na graduating college student ng Mindanao State University o MSU Gensan na si Miyuki Kim.

Ayon sa pulisya, ang nasawi ay kinilalang si Alyas Inday, na dinala sa ospital mula sa lock-up cell ng Mabuhay Police Station dahil nahirapan umano itong huminga, ngunit hindi na nagamot pa.

Hindi naman ipinaliwanag ng pulisya kung ano ang dahilan ng paninikip ng didbdib ng suspek bago dinala sa ospital.

Matatandaan na ang krimen ay naganap noong Disyembre 7, bandang alas-9 ng gabi, sa loob ng bahay ng biktima kung saan kasama si Alyas Oblong na umano’y pumatay at sumaksak kay Miyuki matapos itong bantaang magsumbong sa kanyang ina.

Samantala, ang pangatlong suspek na si Alyas Aron ang umano’y nagbantay habang nangyayari ang krimen.

Naaresto si Aron sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Calumpang, General Santos City, at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Samantala, nag-apela naman ang pamilya ng nasawing suspek na imbestigahan ang totoong rason ng pagkamatay nito.