-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad matapos masugatan ang isang lalaki sa pamamaril sa Sultan Kudarat ngayong araw.

Kinilala ang biktima bilang si Datu Amir Jihad Onotan Usop, 26 anyos, residente ng Rosary Heights 3, Cotabato City. Minamaneho niya ang kanyang Toyota Hilux pick-up nang bigla siyang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Sa pinangyarihan ng insidente, narekober ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang 17 basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng armas.

Patuloy ang hot pursuit operation at imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng pamamaril.