-- ADVERTISEMENT --

Wala nang buhay ng matagpuan ang isang ina matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa Lake Buluan, sa Barangay Maslabeng kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Buluan MDRRMO, ligtas na nailigtas ang limang anak ng biktima sa isinagawang search and rescue operation ng mga tauhan ng ahensya.

Gayunman, ilang oras pa bago natagpuan ang katawan ng ina matapos ipagpatuloy ng mga rescuer ang operasyon sa lawa.

Kinumpirma ni Buluan Vice Mayor King Mangudadatu na patay na nang marekober ang biktima.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagtaob ng bangka.