-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 20 bahay ang naapektuhan sa Tarragona, Davao Oriental dulot ng magnitude 7.4 na lindol na tumama alas-9:43 ng umaga ngayong Oktubre 10.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region XI, may ilan na nasira, habang ang iba ay natabunan ng gumuhong lupa.

Inihayag ni OCD XI Regional Director Ednar Dayanghirang, batay sa isinagawang aerial survey, ang 20 bahay na nasira ay nasa Tarragona, samantalang tig-isang bahay naman ang apektado sa Manay at Lupon.

Patuloy ang monitoring at assessment ng mga ahensya upang matukoy ang kabuuang pinsala at matulungan ang mga pamilyang naapektuhan.

Pinapayuhan din ang publiko na maging maingat sa paggalaw sa mga apektadong lugar, lalo na sa posibilidad ng aftershocks.