Kritikal ang kondisyon ng isang babae matapos madaganan ng bumagsak na bahagi ng sementong istruktura sa kasagsagan ng magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Mindanao kagabi.
Batay sa paunang ulat, nangyari ang insidente sa Mati City, kung saan bumigay ang bahagi ng gusali habang malakas ang pagyanig, dahilan upang matabunan ng guhong semento ang hindi pa nakikilalang biktima.
Agad na rumesponde ang mga residente at rescue teams upang mailigtas ang babae, subalit patuloy pa rin ang operasyon sa lugar dahil sa bigat ng mga gumuhong bahagi ng istruktura.
Ayon sa mga kamag-anak, nanghihingi sila ngayon ng tulong habang patuloy na nilalapatan ng emergency treatment ang biktima sa pinakamalapit na ospital.
Matatandaang sa Manay, Davao Oriental ang epicenter ng nasabing lindol, na nagdulot ng matinding pagyanig sa ilang bahagi ng rehiyon.
Patuloy ang imbestigasyon at monitoring ng lokal na pamahalaan at Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga pinsala at iba pang naapektuhan ng nasabing kalamidad.