-- ADVERTISEMENT --

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na lalaki matapos matabunan ng gumuhong konkretong pader sa kasagsagan ng magnitude 7.6 na lindol na tumama bandang alas-9:58 ng umaga, Oktubre 10, 2025, sa Purok 3, Barangay Tomas Monteverde, lungsod ng Davao.

Batay sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, bumigay ang bahagi ng pader habang malakas ang pagyanig, dahilan upang bumagsak ito sa biktima na noo’y nasa labas umano ng kanilang tahanan.

Agad na rumesponde ang mga residente at rescue team, ngunit idineklarang dead on the spot ang matanda dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.

Patuloy pa ring kinikilala ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at monitoring ng mga posibleng aftershocks sa lugar.

Samantala, muling nagpaalala ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa mga residente na manatiling alerto at sumunod sa mga safety protocols tuwing may pagyanig upang maiwasan ang mga ganitong insidente.