tinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman, kasunod ng pag-alis ni Samuel Martires sa puwesto.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ombudsman Remulla na asahan ng publiko ang “transparency” at maraming aksyon sa kanyang pamumuno sa naturang opisina. Bukod dito, inihayag niya na muling susuriin at bubuklatin ang mga ulat patungkol sa Confidential Funds ni Vice President Sara Duterte, kabilang ang mga naitalang report mula sa House of Representatives.
Ani Remulla: Actually nandyan naman sa Ombudsman ang mga report na yan at bubuklatin natin. Pag-aaralan at tatanungin natin yung mga may hawak nun ngayon. Yung mga may hawak at yung may tungkulin na hawakan yung mga kasong iyon bago tayo dumating.
Bilang karagdagan, ibinahagi ni Remulla na si Justice Usec. Fredderick Vida ang itinalagang acting Secretary o Officer-in-Charge ng Department of Justice.
Ayon sa Ombudsman, nagkaroon na siya ng pag-uusap sa Malacañang kay Pangulong Marcos hinggil sa naturang pagtatalaga.
Si Remulla ay napili mula sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC), at inaasahang magbibigay ng bagong direksyon sa Ombudsman’s Office sa ilalim ng kanyang pamumuno.