-- ADVERTISEMENT --

Dumalo at humarap sa mga tanong ng mga mambabatas si Bise Presidente Sara Duterte sa deliberasyon ng 2026 national budget ngayong Martes, Setyembre 16, sa Kamara.

Di nasunod ang nakasanayang tradisyon kung saan karaniwang hindi na sumasailalim sa direktang interpelasyon ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sa mga nagtanong kay Duterte ukol sa pondo ng Office of the Vice President sina Makabayan bloc members ACT Teachers Representative Antonio Tinio at Kabataan Partylist Representative Renee Co.

Dumalo si Duterte nang mag-isa matapos kanselahin noong nakaraang linggo ang unang iskedyul ng pagdinig dahil tanging assistant secretary lamang ang ipinadala ng kanyang opisina.

Nakahain ang hirit na P902.8 milyon na pondo para sa OVP sa 2026 mas mataas kumpara sa 744 milyong badyet nitong 2025.

Dahil sa dalawang tanong lamang ang pinayagan ng Chairman Committee on Appropriations sang House of Representatives ay tinapos na din ang deliberasyon sa proposed budget ng OVP para sa susunod na taon.