-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pamamaril na ikinasawi ng isang motorista sa Barangay Langgapanan, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur tanghali ng Biyernes, Setyembre 12.

Batay sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad, sakay ng kanyang Yamaha Bajaj 100 motorcycle ang biktima at magmumula sana sa Barangay Bulod patungo sa bayan ng General SK Pendatun nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Dahil sa tinamong mga tama ng bala, bumagsak ang biktima sa kalsada at agad na binawian ng buhay.

Sa ngayon, patuloy pang tinutukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa krimen.

Nagde-deploy na rin ng karagdagang puwersa ang pulisya sa lugar upang maiwasan ang posibleng karagdagang insidente ng karahasan.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga imbestigador sa mga saksi at kaanak ng biktima para makakalap ng dagdag na impormasyon hinggil sa insidente.