-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Pinamumunuan na ngayon ng bagong Jail Warden ang South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC).

Ito ay matapos na itinalaga ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. si Barney Pedroso Condes, dating Chief of Police ng Koronadal City, bilang bagong Provincial Jail Warden kasunod ng pagretiro si Juan Lanzaderas noong Setyembre 10, 2025.

Bilang bagong hepe ng pasilidad, inatasan si Condes na linisin ang loob ng kulungan at resolbahin ang mga matagal nang isyu tulad ng ilegal na aktibidad, komunikasyon ng mga inmate sa labas, at iba pang suliraning kinahaharap ng provincial jail.

Maliban sa pagiging dating hepe ng Koronadal PNP, si Condes ay nagsilbi rin bilang Chief of Police ng Tacurong City at ilang bayan sa Sarangani; Battalion Commander ng RMFB-12; at Intelligence Operative laban sa terorismo sa ilalim ng Office of the Chief PNP. Siya rin ay isang PNPA cadet at lisensyadong Registered Nurse.

Inaasahan na magpapatupad si Warden Condes ng makabago at makataong programa para sa kapakanan ng mga bilanggo, kasabay ng pagpapatibay ng disiplina at reporma sa operasyon ng pasilidad.