-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Matagumpay ang isinagawang operasyon ng 38th Infantry Battalion (We Clear) ng Philippine Army, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12, laban sa mga hinihinalang gun smugglers sa Barangay Carpenter Hill, Koronadal City, South Cotabato.

Sa naturang operasyon, nakumpiska ang isang M4A1 Carbine rifle na may magazine at 15 bala, at isang Norinco ACP Cal.45 pistol na may magazine at 7 bala. Ang mga armas ay narekober mula sa isang sasakyan na hinihinalang ginagamit sa iligal na kalakalan ng baril.

Ayon sa mga awtoridad, bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng gobyerno upang sugpuin ang iligal na kalakalan ng armas at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa rehiyon. Wala pang naaresto sa insidente, at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at lawak ng kanilang operasyon.

Ang mga nakumpiskang armas ay kasalukuyang iniimbestigahan upang matukoy ang pinagmulan at kung paano ito nakarating sa lugar.