-- ADVERTISEMENT --

Nagpalabas ng opisyal na pahayag ang Bangsamoro Youth Commission kaugnay sa kontrobersyal na social media post ng Davao City vlogger na si Crist Briand, kung saan naghahanap umano ito ng tinatawag niyang “halal na baboy.”

Ayon sa BYC, malinaw na ipinagbabawal sa Islam ang baboy at lahat ng produktong nagmumula rito, kaya’t ang konsepto ng “halal na baboy” ay walang batayan at itinuturing na nakaka-offend at hindi iginagalang ang paniniwala at kultura ng mga Muslim.

Dagdag pa ng komisyon, nakakaapekto ito lalo na sa mga kabataan na pangunahing audience ng mga vlogger. Ang ganitong uri ng content, ayon sa kanila, ay nakakapagdulot ng diskriminasyon, maling akala, at kawalan ng respeto sa pananampalataya.

Dahil dito, diretsong nanawagan ang BYC kay Crist Briand na humingi ng public apology sa Muslim community.

Hinikayat din ng komisyon ang lahat ng social media influencers na maging responsable at maingat sa paggawa ng content, upang hindi gamitin ang mga online platform sa pagpapakalat ng maling impormasyon at kawalang respeto sa relihiyosong paniniwala at pagkakakilanlan.