-- ADVERTISEMENT --
Namatay ang tatlong indibidwal at lima pa ang nasugatan sa isang kilos-protesta na isinagawa sa Makassar, Indonesia.
Batay sa ulat, sinunog ng mga demonstrador ang gusali ng regional parliament.
Nagsimula ang kaguluhan matapos ang pagkamatay ng isang ride-hailing driver na nabangga ng police armored vehicle sa gitna ng protesta sa Jakarta, na nagdulot ng matinding galit sa publiko.
Nagkaroon ng sunog habang may nagaganap na sesyon sa gusali, at ilan sa mga biktima ang naiulat na na-trap sa loob.
Ang insidente ay itinuturing na unang malaking hamon sa administrasyon ni Pangulong Prabowo Subianto, na kakaupo lamang sa pwesto, habang nagpapatuloy ang mga demonstrasyon sa iba’t ibang lungsod ng Indonesia.