-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nanawagan ng agarang solusyon ang barangay Officials sa Barangay GPS matapos na mawasak ang parte flood control protection dike sa bahagi ng Purok Prospero, Barangay General Paulino Santos at boundary ng Barangay Namnama sa Koronadal City matapos ang matinding pagbaha dulot ng malakas na buhos ng ulan.

Ayon kay Barangay Chairman Danilo Delos Santos, unang nasira ang nabanggit na dike noong Hulyo 22, 2022 kung saan halos inanod ng malakas na agos ng tubig mula sa Marbel River ang dike na nagsisilbing proteksiyon ng mga residente laban sa pagbaha. Dagdag pa nito, naapektuhan maging ang boundary ng Namnama at bahagi ng Lutayan, Sultan Kudarat.

Agad umanong naiulat ito sa DPWH, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at maging sa barangay council. Sa isinagawang inspection ng DPWH, idineklarang “beyond repair” ang istruktura dahil sa malambot na pundasyon ng riverbank na puro balas at madaling gumuho kaya’t ang kanilang rekomendasyon ay mag-construct ng bago.

Nagkaroon din ng mga proyekto along Marbel river ngunit pawang mga protecton lamang gaya ng : Construction of River Bank Protection along Marbel River, Brgy. Namnama na may halagang ₱77.1 milyon sa ilalim ng ABU Construction na natapos noong Abril 11, 2024. At Construction of Revetment along Marbel River (Namnama Section) na nagkakahalaga ng ₱34.3 milyon, isinagawa ng Better Work Construction/Manuela Construction Services noong Agosto 30, 2023.

Ngunit hindi pa rin sapat ang mga ito dahil dahan-dahan na ring nasisira at sa katunayan ay may mga portion na rin ng mga Riverbank protection ang nasira. Habang hinihintay ang mas permanenteng solusyon, nagsagawa muna ang barangay ng sandbagging at nagtanim ng mga puno sa paligid ng ilog para kahit papaano ay maprotektahan ang mga residente.

Nanawagan si Chairman Delos Santos sa pamahalaang lokal at sa DPWH na bilisan ang pagpapatupad ng mas matibay na proyekto dahil tuwing may malakas na ulan, patuloy na nagdurusa ang mga residente sa matinding pagbaha.