Arestado ang kilalang vlogger na si Alyas Jeren sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong online libel sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act 10175.
Nahuli si Jeren dakong alas-onse singkwenta’y sais ng umaga, Agosto 8, sa kanyang tirahan sa Barangay Morales, Koronadal City.
Ayon kay PLt. Col. Peter Pinalgan, hepe ng Koronadal City Police Station, isinagawa ang operasyon sa tulong ng San Pedro Police Station sa Davao City at Regional Anti-Cybercrime Unit 12.
Ang warrant ay inilabas ni Judge Clarissa Superable-Develos ng RTC Branch 52, Davao City, noong Mayo 20, kaugnay sa reklamong mapanirang pahayag umano online.
Ang cyber libel ay paninirang-puri gamit ang computer o internet, gaya ng social media, na naglalayong sirain ang reputasyon ng isang tao sa pamamagitan ng mapanirang pahayag. Saklaw nito ang:
- Mapanirang akusasyon na nakasisira sa dangal ng isang tao
- Pagpapalaganap nito sa iba, kahit sa iisang tao lamang
- Pagkilala sa taong tinutukoy, direkta o hindi direkta
- Masamang hangarin o malisya sa paggawa ng pahayag
Sa ilalim ng batas, maaaring pagmultahin o ipakulong ang sinumang mapatunayang nagkasala ng cyber libel.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya si Nebit habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.