KORONADAL CITY -Nakakulong na ngayon ang isang empleyado ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Koronadal City matapos maaresto sa isang isinagawang drug buy-bust operation sa Sitio Cogonal, Barangay Topland ng nasabing lungsod.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Oplok,” 55 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Topland. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang Forest Technician sa CENRO Koronadal.
Batay sa imbestigasyon, positibong napagbentahan ng ilegal na droga ang isang operatiba, dahilan upang agad itong arestuhin. Nakuha sa kanya ang hinihinalang shabu at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Labis namang ikinagulat ni John Ryan F. Juarez, Acting Division Head ng Resource, Rehabilitation and Conservation Division ng CENRO Koronadal, ang pagkakasangkot ng kanilang kawani sa ilegal na droga.
Ayon kay Juarez, mahigpit ang paalala sa lahat ng empleyado ng City Government of Koronadal na huwag masangkot sa anumang uri ng ilegal na aktibidad, lalo na sa droga. Aniya, regular silang nagsasagawa ng random drug testing para sa mga job order employees, subalit pansamantala itong natigil dahil sa mga restriksyon ng nakaraang halalan. Dagdag pa niya, ang resulta ng drug test ang nagiging basehan kung maaaring i-renew ang kontrata ng isang empleyado.
Mariin ding kinondena ng kanilang opisina ang pagkakasangkot ng suspek sa ilegal na droga.
Nanawagan naman si Juarez sa publiko, lalo na sa mga kapwa lingkod-bayan, na huwag makilahok sa anumang uri ng ilegal na kalakalan. Aniya, ang droga ay sumisira ng buhay at sagabal sa kaunlaran ng bansa.
Home Local News Empleyado ng CENRO Koronadal, Arestado sa Buy-Bust Operation; Random drug testing sa...
Empleyado ng CENRO Koronadal, Arestado sa Buy-Bust Operation; Random drug testing sa mga empleyado ng City Hall, hihigpitan
-- ADVERTISEMENT --