-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 215 na mga kasapi ng House of Representatives ang lumagda upang ma-impeached si Vice President Sara Duterte.

Ang mga reklamo ng impeachment ay naglalaman ng mga paratang ng maling paggamit ng confidential funds, graft and corruption, at pagtataksil sa tiwala ng publiko—lahat ng ito ay mga batayan para sa impeachment ayon sa 1987 Konstitusyon.

Ang unang reklamo ay pinangunahan ni Akbayan Party-List Rep. Perci Cendaña na tumutukoy sa hindi maayos na pag-account ng ₱125 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022, pati na rin ang ₱7 bilyon na hindi pa naliliquidate mula sa kanyang panahon bilang Kalihim ng Edukasyon.

Ang ikalawang reklamo ay isinampa ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kung saan binibigyang-diin ang pagtataksil sa tiwala ng publiko dahil sa maling paggamit ng confidential funds.

Samantala, ang ikatlong reklamo ay isinampa ng isang koalisyon ng mga pari, lider ng civil society, at mga abogado, ay nagdagdag ng mga paratang ng pandarambong, malversation, suhol, at graft and corruption.

Sa mga pagdinig sa Kamara, inamin ng mga opisyal na ang mga pondong ito ay inilabas sa ilalim ng direktang utos ni Duterte. Dahil dito, ang kaso ay susulong na sa Senado para sa paglilitis na magpapasya kung siya ay tuluyang aalisin sa pwesto.

Samantala, hindi pa inilalabas ng House of Representatives ang listahan ng mga kongresista na lumagda sa pagpapatalsik sa pwesto kay VP Duterte.

Dahil sa majority ng mga kongresista ay lumagda isusumite na ito sa Senado para sa trial.

Narito ang mga magsisilbing prosecutors sa trial of impeachment laban ka Vice President Sara Duterte sa Senado:

Rep. Gerville Luistro

Rep. Romeo Acop

Rep. Rodge Gutierrez

Rep. Joel Chua

Rep. Raul Angelo Bongalon

Rep. Loreto Acharon

Rep. Marcelino Libanan

Rep. Arnan Panaligan

Rep. Isabelle Maria Zamora

Rep. Lorenz Defensor