Positibong nasabat ang nasa Php68,000 na halaga ng illegal na droga at baril matapos isilbi ng kapulisan ang search warrant sa Barangay Wal, Palimbang, Sultan Kudarat nito lamang ika-18 ng Disyembre 2024.
Ayon sa ulat ng Palimbang Municipal Police Station, dakong 3:30 ng hapon nang isinilbi ang search warrant sa tirahan ng kinilalang suspek na si alyas “Arab”, 29-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang illegal na droga na higit-kumulang 10 gramo ang bigat na may halagang Php68,000, at isang yunit ng Cal. 45 na baril na may kasamang magazine at 3 bala.
Dahil rito, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.