-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nananatili ngayon sa evacuation center ang nasa 108 na pamilya na apektado ng landslide sa bayan ng Norala, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Norala Mayor Clemente Fedoc sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Mayor Fedoc, ang nasabing bilang ng pamilya ay boluntaryong lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa Purok Lambusong sang Barangay, Puti kung saan nangyari ang pagguho ng lupa.

Aminado ang alkalde na bago pa man ang pagbuhos ng ulan ay may mga nakita ng tension cracks sa lugar na naging dahilan ng landslide. Agad naman na nabigyan ng paunang tulong gaya ng pagkain at mga lumikas na residente.

Sa ngayon, naghahanap na ang LGU Norala ng lugar na maaaring gawing resettlement area para sa mga pamilyang apektado.

Samantala, dahil sa masamang panahon na patuloy na nararanasan sa lalawigan ng South Cotabato dulot ng bagyong Kristine ay muling nagpatupad ng suspension of classes sa mga bayan ng Lake Sebu, Banga at Tboli.

Patuloy din angpanawagan ng PDRRMO South Cotabato na maging alerto sa lahat ng oras lalo na sa pagbuhos ng ulan upang makaiwas sa anumang kapahamakan.