KORONADAL CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Magpet, Cotabato matapos ang naranasang malawakang baha dahil sa pagkasira ng dike sa Kabacan river.
Ito ay batay sa naging assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang may magamit na pundo para sa mga apektadong pamilya.
Ayon kay Engr. Donald Homez, MDRRMO ng Magpet umano sa 123 pamilya ang naapektuhan ng baha sa limang barangay sa nabanggit na bayan.
Sa nasabing bilang halos 40 ba kabahayan ang totally damaged habang higit 80 naman ang partialaly damaged.
Maliban dito, may mga alagang hayop, motorsiklo at mga pananim din na nasira dulot ng pagbaha.
Samantala, dahil pa rin sa malakas na ulang naranasan sa Soccsksargen dulot ng bagyong Kristine, nagpatupad ng face-to-face suspension of classes ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa apat na mga probinsiya sa rehiyon dose.
Inihayag ni Jorie Mae Balmediano, Information Officer ng OCD-12 na ang mga lugar na nagdeklara ng suspension of classes ay kinabibilangan ng mga masunod: Sa Cotabato: Antipas, Kabacan, Pigcawayan, Matalam, Makilala, Magpet, Kidapawan, Carmen, Arakan, Banisilan, Mlang, Pres. Roxas, Aleosan, Alamada, Midsayap, Libungan, Pikit, at Tulunan; Sa Sultan Kudarat Province, lahat ng paaralan ayon sa Province Wide per Provincial EO No. 042 s. 2024;
Samantala sa Sarangani Province ay ang mga bayan ng Alabel, Maasim, Kiamba, Maitum, at Malapatan at dito sa probinsya ng South Cotabato ay Surallah, T’boli, Lake Sebu, Norala, . Sto. Niño, Tantangan, Banga, Tupi, at Polomolok.
Dagdag ni Balmediano, na noonhg October 20, 2024 palang ay binabaha na ang Magpet sa dahilanan ng ITCZ kahit wala pa ang epekto ng tropical depression “Kristine” .
Wala namang reported casualty ng dahil sa pananalasa ng bagyong “Kristine” at lahat ng munisipyo ay may evacuation center para sa mga apektado.
Sa ngayon patuloy parin ang monitoring sa mga apektadong lugar at namigay na rin ng mga food packs at initial assistance ang mga ahensya lalong lalo na sa Magpet.