KORONADAL CITY – Naaresto ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng di lisensyadong baril sa ikinasang checkpoint operation ng mga awtoridad sa Brgy Poblacion, Pikit, Cotabato kahapon lamang Setyembre 23, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Romeo M Calamba, Officer-In-Charge ng Pikit Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Amil”, 25-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Lawili, Aleosan, Cotabato.
Ayon kay PLtCol Calamba, habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Pikit Municipal Police Station ,3rd Probationary CPMF at 1203rd MC RMFB 12 ay aktong nakita mula sa pag-iingat ng suspek ang isang yunit ng cal.45 kasama ang isang magazine at limang bala nito.
Dahil rito, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Walang humpay sa pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon ang buong hanay ng Cotabato PNP upang hulihin ang mga taong sangkot sa mga kriminalidad gaya ng paggamit, pagbebenta, at nagbibigay proteksyon sa ilegal na baril at droga.