Dinakip ng kapulisan ng Carmen Municipal Police Station ang isang High Value Individual matapos makuhanan ng iligal na droga sa mismo niitong tahanan sa Brgy. Poblacion, Carmen, Cotabato, nito lamang ika-8 ng Setyembre 2024.
Sa ulat ng Carmen PNP, dakong alas 7:15 ng gabi ng kanilang sinalakay ang pamamahay ng kinilalang suspek na si alyas “Jeffrey” sa bisa ng search warrant na kung saan narekober sa loob ng pamamahay nito ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.
Dahil rito, agad na dinala sa nasabing istasyon ang nakumpiskang kontrabando at nang nahuling drug suspect na sa ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Alinsunod sa programa ng pamahalaan na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan sa pangunguna ng DILG katuwang ang iba’t ibang sangay ng gobyerno at lokal na pamahalaan ay tiniyak ng Carmen PNP na patuloy nilang isusulong ang programa para sa mabilisang pagsugpo ng iligal na droga sa komunidad.