Naaresto ang itinuturing na high value individual (HVI) matapos makuhanan ng Php90,000 halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug entrapment operation ng mga otoridad sa Prk Masigasig ,Brgy. Tambler, General Santos City nito lamang Agosto 30, 2024.
Kinilala ni Police Major Ulf M Tabucon, Station Commander ng General Santos City Police Station 8, ang naarestong suspek na si alyas “Jun”, 43 taong gulang, may asawa, mekaniko at residente ng Purok Quilantang, Barangay Calumpang, General Santos City.
Batay sa ulat na natanggap ni PMAJ Tabucon, dakong 8:45 ng gabi nang ikinasa ang anti-illegal drug entrapment operation sa pangunguna ng PS5 SDET katuwang ang GSCPO CMFC at CPDEU, GSCPO.
Isang undercover agent ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at ng tanggapin nila ang marked money at boodle money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang 14-piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 38 gramo na nasa Php90,000.00. ang halaga, marked money, boodle money, at iba pang non-drug items.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kapulisan ay mananatili umanong alerto upang mapuksa ang mga taong sangkot sa ilegal na droga sa bansa at mapanatili ang maayos at ligtas na kumunidad para sa isang Bagong Pilipinas.