-- ADVERTISEMENT --

Natagpuan na wala nang buhay sa loob mismo ng bahay nito ang isang lalaki sa Purok Maawin Mother Barangay Poblacion, Cotabato City pasado alas diyes linggo ng gabi.

Ayon sa PNP Station 1, ang biktima ay kinilalang si Arthur Castro Gumandel alias aratuc, 49 years old.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang concerned citizen ang tumawag sa PNP station 1 matapos na makarinig ng putok ng baril.

At nang pagresponde ng PNP sa lugar natagpuan ang bangkay ni Gumandel na may tama ng bala sa katawan na pinaniniwalaang dahilan ng kamatayan nito.

Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng caliber 45 pistol.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.