Nadugangan pa ang numero sang mga residente nga apektado sang mga pag-baha tuga sang mga pag-ulan dala sang Southwest moonson sa Mindanao.
Sa ginpaguwa nga situational report sang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ginsinalanta ng baha ang mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Bunsod nito, apektado ang kabuuang 221,435 indibidwal mula sa 363 barangay.
Nasa kabuuang 21,464 ang na-displace kung saan 20, 026 ang inilikas patungo sa mga evacuation centers habang 1,378 indibidwal ang nanunuluyan sa kanilang kaibigan o kamag-anak.
Samantala, umakyat na sa 14 na katao ang umano’y napaulat na nasawi dahil sa pagguho ng lupa at baha kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa Bangsamoro at Zamboanga Peninsula regions.
Apektado din ang kabuhayan ng nasa mahigit 200 magsasaka at mangingisda matapos na mapinsala ang nasa mahigi P17 milyong halaga ng mga pananim.
Base sa ulat ng state weather agency nitong umaga ng Martes, inaasahang magdadala ng makumlimlim at kalat-kalat na kaulapan ang habagat at low-pressure area sa may Davao City at mga pag-ulan naman sa ilang parte ng bansa.