-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon nga mga otoridad ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril at droga sa Purok 7, Barangay Central Katingawan, Midsayap, Cotabato.

Batay sa ulat, dakong alas-7:16 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Midsayap Municipal Police Station sa nasabing lugar nang parahin nila ang ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Subalit, bigla na lamang nilang pinahaharurot ang minamanehong motor at binangga ang barikada at dito na nila aksidenteng nahulog ang isang kalibre 45 na baril na may kasamang magazine at mga bala, dahilan para arestohin sila ng mga awtoridad.

Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek na si alyas ‘Boy Bakal’ ang isang caliber .45 pistol na may isang magazine na kargado ng anim na bala at isa pang extra na magazine na kargado ng apat na bala.

Nang hanapan sila ng mga papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek kaya binitbit sumailalim sila sa body search. At rito na narekober sa kinilalang suspek na si alyas “Namla”, ang isang Cal. 45 na baril na may kasamang magazine at mga bala, isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Habang, isang pakete ng pinaghihinalaang shabu at isang cellular phone naman ang narekober mula sa kasamahan ni Namla na kinilalang si alyas “Pau-Pau”.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act” at kasong may kaugnayan sa iligal na droga.