Higit 10,000 mga bahay, apektado ng pagbaha sa Maguindanao del Sur.
Batay ito sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng Maguindano del Sur.
Ayon kay Ameer Jehad ‘Tim’ Ambolodto na sa ngayon ay dalawang mga bayan pa lang sa probinsya ang nakapagsumite ng kanilang ulat.
Sa ulat ng MDRMMO, abot 6,692 na pamilya ang apektado sa Pagalungan habang 3, 332 households naman sa bayan ng Datu Montawal.
Kahapon ay nagpaabot na ng tulong provincial government sa dalawang mga bayan.
Dahil dito ay mas pinaigting pa ng PDRRMO ang monitoring at early warning sa mga lugar na kadalasang nalulubog sa baha sa tuwing nakakaranas ng malakas na pag-ulan.
Hiniling din nito ang kooperasyon ng publiko na sundin ang mga paalala ng MDRRMO upang madali nalang ang rescue operations sakaling lumala ang sitwasyon.
Nabatid na ang dalawang nabanggit na mga bayan ay taun-taong nakakaras ng pagbaha tuwing tag-ulan dahil ito ay catchment area ng Mindanao River Basin.
Sa ngayon ay patuloy pa ang monitoring ng PDRRMO sa iba pang mga bayan sa Maguindanao Sur na nakaranas ng pagbaha.