-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Umakyat pa sa 300 ang mga returnees sa lalawigan ng South Cotabato na kasulukuyang nasa quarantine facilities.

Ipinasiguro naman ng bawat alkalde sa mga bayan ng nasabing lalawigan na mahigpit nilang binibigyan nga kaukulang atensyon ang mga returnees na sumasailalim ngayon sa 14 day quarantine.

Kahit may mga medikal na sertipikasyon na ang mga ito at sumailalim narin sa test, mas mabuti parin umanong masiguro na wala ni isa mga ito ang may sintomas ng COVID 19.

Ayon naman kay Polomolok Mayor Honey Matti Lumayag, aminado ito na may kakulangan sa serbisyo na kanilang naibigay sa mga umuwing OFWs na rin sumasailalim sa 14 day quarantine, paliwanag naman nga alkalde ito ay sa agaran umano na pagpapauwi sa mga ito.

Dagdag pa ng alkalde, kanila na umanong ipinasisiguro na mabigyan ng kaukulang atensyon ang nasabing kakulangan at mabigay ang mga kakailanganin ng mga na stranded na OFWs habang nasa 14 day quarantine ang mga ito.

Sa ngayon, ipinasisiguro ng lokal na gobyerno ng South Cotabato na ang lahat ng alkalde sa probinsya ay gumagawa ng paraan upang maging mapayapa ang mga returnees habang nasa quarantine facilities.