KORONADAL CITY – Inamin ng ilang local government unit (LGU’s) sa lalawigan ng South Cotabato na nagulat sila sa mabilisang abiso sa pagpapauwi ng mga stranded OFW’s sa Metro Manila.
Ito ay matapos na sunod-sunod ang pagdating nga halos 200 mga returnees sa lalawigan simula noong nakaraang araw matapos na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagpapauwi sa mga ito sa kani-kanilang lalawigan.
Ayon kay Koronadal City Investment and promotions officer Elric Batilaran, ura-urada ang ginawang abiso ng OWWA sa kanila sa pagdating ng mga OFW’s.
Ngunit, nagawan naman umano ng solusyon at aksiyon dahil matagal na rin na pinaghandaan ang pagdating ng mga ito.
Sa lungsod lamang ng Koronadla nasa mahigit 50 na ang nakalagak ngayon sa mga quarantine facilities.
SIniguro naman ng opisyal na may kumpletong dokumento ang mga ito sa pagdating sa lungsod sakay ng mga eroplano na lumapag sa General Santos City airport.
May mga dala din umanong medical certificate ang mga ito na nagpapakita na negatibo sa covid 19 na isa sa mga protocols ng gobyerno.